Tanawin mula sa "Passenger Seat"
















And I've got all that I need

Right here in the passenger seat

Oh and I can't keep my eyes on the road

Knowing that she's inches from me


Paboritong kanta ito ni hubby (BF pa lang noon) noon. Kanta nya ito para sa akin na paborito nyang sakay (naks).


Hindi ako marunong magmaneho. Pero sa isang tulad kong palagi na lamang pasahero, marami-rami din naman akong alam patungkol sa sasakyan at sa pagmamaneho.

Sa tuwing uupo ako sa "passenger seat" nakaugalian ko nang tumingin palagi sa side mirror sa tabi ko at tulungan si hubby magmaneho. Isa lang ito sa mga nakikita ko sa araw-araw. Sari't-saring mga sasakyan, iba-ibang kulay, iba-ibang modelo. Sayang nga lamang at hindi yung magandang pulang sasakyan ang aking nakuhaan kanina. Hindi na namin sya naabutan eh, humarurot na at kami'y iniwanan ("eat my dust" daw sabi nya).

Gustong-gusto ko ang aking "trono". Nakasanayan ko na ring maging pasahero lamang. Hindi ko alam kung kakayanin ko ang stress ng pagmamaneho. Pero kailangan ko itong harapin habang lumalapit na ang Hunyo kung saan naka-iskedyul na ako ay mag-enroll sa A1 at mag-aral nang magmaneho. Kawawa naman kasi si hubby na syang palaging nas-stress at napapagod. Kailangan na nya ng ka-relyebo.

*****
nakakalungkot...
ang mga bagong litrato na aking kukunan ay manggagaling lamang sa aking cellfone camera. nabagsak kasi ang aming digicam. nung aming dalhin sa pagawaan, halos sampung libo ang gagastusin para maayos. di na lang noh! bibili na lang kami ng bagong digicam. pero, kelan kaya yon? :P